Nanawagan ang ilang Senador kay Senate Committee on Foreign Relations Chairman Loren Legarda na imbestigahan na ang umiiral na relasyon ng Pilipinas at China.
Ito’y kasunod ng lumabas na ulat ng pahayagang PDI o Philippine Daily Inquirer na tapos na umano ang mga ginagawang military facilities ng China sa mga bahura sa West Philippine Sea.
Ayon kay Sen. Bam Aquino, panahon na upang ibunyag ng administrasyon ang lahat ng pinasok na kontrata at kung anu-ano ang isusuko ng Pilipinas sa China bilang kapalit.
Sa panig naman ni Senador Sherwin Gatchalian, dapat nang repasuhin ng admnistrasyon ang gentleman’s agreement na pinasok nito sa China upang malaman kung kasama ba sa mga napagkasunduan ang pagpayag na magtayo ng pasilidad sa mga pinag-tatalunang teritoryo.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio