Umalma ang samahan ng Custom brokers sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na sa Bureau of Customs ang mga brokers.
Ayon kay Adones Carmona, pangulo ng Chamber of Customs Brokers, hindi makatwiran ang pagsingle out sa brokers sa katiwalian sa pamahalaan.
Sinabi ni Carmona na hindi lamang naman ang halos 12,000 Customs brokers ang maapektuhan kundi maging ang mga estudyanteng kumukuha ng Bachelor of Science in Customs Administration sa may 85 unibersidad sa bansa.
Tiniyak ni Carmona na hindi sila yuyukod at lalabanan nila ang plano ng pamahalaan na tanggalin sila sa Customs.
Gayunman, iminungkahi ni Carmona ang dalawang taong moratorium para sa mga fresh graduates dahil sila anya ang mabilis lamang mahikayat ng mga fixers at players sa Customs.