Inilabas ng Malakanyang ang detalye ng naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para ma- kontrol ang pagkalat ng novel coronavirus- acute respiratory disease sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pamamagitan ng executive secretary ay inilabas ang detalye na dapat ipatupad ng mga ahensiya ng gobyerno.
Kabilang nga dito ay ang temporary travel ban sa lahat tao kahit ano pa ang nasionalidad na mula sa China at mga administrative regions nito sa pagpasok sa bansa maliban lamang sa Filipino citizens at permanent resident visa holder.
Gayundin pagbabawal sa mga dayuhang pumasok sa bansa na nagmula sa China, Hong Kong at Macau sa nakalipas na 14 na araw.
Ipinag-utos din ng Pangulo ang pagsailalim sa 14 day quarantine sa lahat ng Pilipino at permanent resident visa holder na babalik sa bansa mula sa China at special administrative regions.
Pagbabawal sa mga Pilipino na mag byahe sa China, Hong Kong at Macau gayundin ang pagkakaroon ng repatriation at quarantine facility para sa mga Pilipino na maggagaling sa China.