Walang nakikitang masama ang Department of Health (DOH) sa direktiba ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kailangang may ID ang mga ambulant vendors.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Leesuy, makakabuti ito upang matukoy kung saan puwedeng puntahan ang ambulant vendor sakaling mayroong mga imbestigasyon tulad ng nangyaring food poisoning.
Hindi naman aniya nais ng DOH na patayin ang kabuhayan ng mga ambulant vendors subalit kailangan rin nilang matuto kung paano ang tama at malinis na kapag hawak ng itinitinda nilang pagkain.
Una nang ipinag-utos ni Duterte sa City Health Officials ng Davao na isalang sa food safety seminar ang mga ambulant vendors at iba pang food establishments sa Davao.
Nais rin ni Duterte na magparehistro ang lahat ng ambulant vendors upang ma-isyuhan sila ng ID.
By Len Aguirre