Pumanaw na ang film director at beteranong manunulat na si Emmanuel ‘Maning’ Borlaza sa edad na 82.
Ayon sa pamangkin ni Direk Maning na si Roy Ramirez, intake ito sa puso, Huwebes ng umaga, Oktubre 12.
Sinabi din ni Roy na isinugod pa nila si Direk Maning sa ospital matapos atakihin sa puso ngunit binawian din ng buhay.
Si Direk Maning ay ang nasa likod ng higit 20 mga pelikula kasama ang Star For All Seasons at award – winning actress na si Vilma Santos, kabilang dito ang ‘Bakit Kailangan Kita?’; Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas’; Gusto Ko Siya Mahal Kita’;
At ang mga fantasy film na ‘Darna and the Giants’, Lipad, Darna, Lipad!’, at ‘Dyesebel’.
May ilang pelikula ding ginawa si Direk Maning kasama si Megastar Sharon Cuneta, kabilang ditto ang ‘Bituing Walang Ningning’, ‘Dapat Ka Bang Mahalin?’ at ‘Bukas Luluhod Ang Mga Tala’, noong dekada ’80.
Ang pumanaw na batikang direktor din ang nasa likod ng hindi malilimutang mga pelikula na ‘Eva Fonda 16’ ni Alma Moreno, at ‘Blusang Itim’ kasama naman si Snooky Serna.
Bukod sa pagiging Vice Chairman ng Movies and Television Review and Classification Board o MTRCB, si Direk Maning din ang Chairperson ng Directors’ Guild of the Philippines, Inc.