Tuloy-tuloy ang ginagawang balasahan ni US President Donald Trump sa Department of Homeland Security lalong lalo na sa secret service na siyang nakatokang magbigay seguridad sa kanya.
Nitong Lunes, sinibak ni Trump ang direktor ng US Secret Service na si Randolph “Tex” Alles ilang araw lang matapos tanggalin si Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen.
Sinasabing ang magkakasalungat na pananaw nila Trump at ng kaniyang security officials sa usapin ng immigration ang dahilan kaya ito nagpatupad ng balasahan.
Dahil dito, sinabi ni White House Spokesperson Sara Sanders na posibleng si US Customs and Border Protection Commissioner Kevin McAleenan ang maging acting Homeland Security Secretary habang sigurado nang uupo ang agent na si James Murray bilang bagong Secret Service Chief.
—-