Iminungkahi ni Phivolcs Director Renato Solidum na dapat na magkaroon ng disaster managers ang mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Solidum, kailangan na ang disaster managers kasunod ng pag-aalburoto ng bulkan, mga bagyo at iba pang natural disasters.
Aniya, mahalagang magkaroon ng permanent disaster managers upang magabayan ang mga LGU.
Kaugnay nito, sinabi ni Solidum na ang Phivolcs ay nag-iisyu ng advisories sa mga lokal na pamahalaan batay sa scientific monitoring ng bulkan.
Paliwanag niya pa, ang phivolcs ay nagbibigay lamang ng rekomendasyon ngunit ang desisyon na mag-vacuate o hindi ay nakasalalay sa disaster managers at LGUs. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico