Isinusulong ni Senador Mark Villar ang panukalang batas na magbibigay ng death benefits o benepisyo sa mga community disaster personnel na masasawi sa pagganap ng tungkulin.
Ito’y sa ilalim ng Senate Bill no. 1354 o Disaster Personnel Death Benefit Act, nakasaad na mabigyan ng sapat na kompensasyon ang pamilya ng mga rescuers o disaster personnel.
Ayon kay Villar, sa bawat sakuna, ang buhay ng mga rescuer at boluntaryo ay palaging nasa panganib.
Ito’y matapos masawi ang limang rescuers sa San Miguel, Bulacan habang sila ay nagseserbisyo sa bayan. —sa panulat ni Jenn Patrolla