Inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na kanilang palalakasin ang Disaster Preparedness at Response Capabilities ng mga barangay hinggil sa pagtugon sa panahon ng mga emergency at kalamidad.
Ayon kay Abalos, ito’y bilang tugon sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hinggil sa naturang usapin.
Layunin ng hensya na masigurong hindi na mauulit ang pagkasawi ng mga idibidwal at pagkawasak ng mga ari-arian sa gitna ng ibat-ibang uri ng sakuna partikular na ang bagyo.
Iginiit ng kalihim na ang ugnayan ng pamahalaan, pribado, multi-sectoral organizations, at maging ang komunidad, ang pinaka-mahalaga upang malampasan ang natural disasters, emergencies, at mga kalamidad.