Pinakilos na ng DSWD ang Disaster Response Cluster bilang paghahanda sa bagyong Urduja na nananalasa sa Samar.
Ipinabatid ni DSWD Officer In Charge Emmanuel Leyco na handa na ang mahigit 300,000 family food packs.
Naka standby na rin aniya ang non-food items para sa mga apektado ng bagyong Urduja.
Bukod dito sinabi ni Leyco na may 245 Million Pesos na pondo na sa central office at field offices ng DSWD na uubrang ipalabas kaagad sakaling kailanganin.
Tiniyak ni Leyco ang patuloy na pag monitor ng DSWD sa galaw ng bagyong Urduja at mga apektado nito.