Inilarga na ng Philippine Air Force (PAF) ang disaster response team nito para tumulong sa mga naapektuhan ng bagyong Jolina at Kiko sa Region 5 o Bicol Region.
Sa katunayan, ipinabatid ni Air Force Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano na nagsagawa na ng rescue and evacuation operations ang kanilang mga tauhan sa mga naapektuhan ng bagyo sa nasabing rehiyon.
Nagsagawa na rin aniya ng rapid damage assessment and needs analysis ang kanlang helicopter sa mga lugar sa Region 5 na sinalanta ng mga bagyong Jolina at Kiko.