Inaasahan na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagbasura ng Korte Suprema sa disbarment case na inihain laban sa kanya ni dating Manila City Councilor Greco Belgica.
Ikinatuwa ni Morales ang mabilis na pag-aksyon ng kataas-taasang hukuman sa naturang petisyon.
Dahil dito, sinabi ni Morales na maitutuon niya na ngayon ang kanyang buong atensyon sa pag-iimbestiga at pagbabawas ng mga nakabinbin pang reklamo sa kanilang tanggapan.
Matatandaang naghain si Belgica ng disbarment case laban kay Morales dahil umano sa pag-abswelto ng Ombudsman kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng Dap o Disbursement Acceleration Program.
By Ralph Obina