Ibinasura ng Korte Suprema ang disbarment complaint laban sa isang abogado na naipit sa bangayan sa negosyo ng isang pamilya.
Sa isang resolusyon, kinatigan ng mataas na hukuman ang rekomendasyon ng Integrated Bar of the Philippines o IBP na nagsasaad na walang basehan ang reklamo laban kay Atty. Jordan Pizarras.
Idinemanda ng isang Enrique Javier de Zuzuararregui si Pizarras dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa kanyang pamangkin at hipag kung saan pumasok din ito sa isang compromise agreement sa kanilang real estate company noong 2016.
Pinaratangan ni Zuzuararregui si Pizarras na inabandona siya nito bilang kliyente at winaldas pa ang kanyang pera sa kompanya na nagkakahalaga ng P61.7 milyon.
Ngunit, ayon sa kataas-taasang hukuman, walang naipakitang ebidensya si Zuzuararregui na susuporta sa Attorney-client relationship nila ni Pizarras.