Sinuspinde na ng Negros Oriental 2 Electric Cooperative (NORECO 2) ang kanilang disconnection activities matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Pinalawig din ng NORECO 2 ang due date ng pagbabayad para sa buwan ng Disyembre at wala ring ipapataw na penalty para sa atrasadong payments ngayong buwan.
Saklaw ng nabanggit na power distributor ang Pamplona hanggang Basay sa Negros Oriental, kabilang ang Dumaguete City.
Tiniyak naman ni NORECO 2 General Manager Fe Marie Dicen Tagle na nagpapatuloy ang restoration ng kanilang serbisyo sa mga apektadong lugar.
Magugunitang nakaranas ng malawakang blackout sa Negros Oriental matapos padapain ng bagyo ang mahigit 100 poste ng kuryente sa lalawigan.