Posibleng simulan na ng Meralco ang magputol ng suplay ng kuryente sa mga hindi pa nakababayad ng kanilang bill sa kuryente, pagsapit ng Enero.
Ito ang inihayag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, dahil wala pang ipinalalabas na extension ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa ipinag-utos nitong moratorium sa disconnection policy.
Ayon kay Zaldarriaga, hanggang katapusan lamang ng taon ang abiso ng ERC na kanila lamang sinusunod.
Kaugnay nito, hinimok ni Zaldarriaga ang mga hindi nakababayad at hirap magbayad ng kanilang electricity bill na makipag-ugnayan lamang sa kanila para magawan aniya ng paraan o makabuo ng settlement.