May handog na diskwento at unlimited ride ang gobyerno para sa mga tumatangkilik ng point-to-point o P2P express bus service.
Ayon kay Cabinet Secretary at Traffic Czar Jose Rene Almendras, positibo ang tugon ng mga mananakay sa test run ng P2P.
Tatlo lamang ang ruta na tinatakbuhan ng P2P service gaya ng Trinoma hanggang Glorietta 5; SM North Edsa hanggang Glorietta 5, at SM Megamall hanggang Glorietta 5.
Layon ng paglulunsad ng P2P service na bigyan ng pagkakataon ang mga nagmamay-ari ng pribadong sasakyan na mag-commute na lamang para maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.
By Jelbert Perdez