Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang pagbibigay diskwento at libreng bayad singil sa tax ng kuryente at tubig ng mga senior citizens.
Nakalusot sa Viva Voce voting ang panukala na layong amyendahan ang Republic Act 7432 o Expanded Senior Citizens Act of 2021.
Nakasaad dito na 10% ang makukuhang buwanang diskwento sa hindi hihigit sa 150 kilo-wat-per-hourna konsumo sa kuryente at 30 cubic-meters naman sa tubig habang maaaringi-exempt sa pagbabayad ng vat ang mga senior.
Nakapaloob din dito na dapat naka-pangalan sa senior citizens ang kanilang mga metro. —sa panulat ni Joana Luna