Humirit ang Department of Energy sa mga oil industry player na magbigay ng diskwento o promo sa kanilang mga customer dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, naki-usap na sila sa mga oil industry players para naman maibsan ang pasaning ito ng publiko.
Aniya, ilang industry players na ang pumayag sa piso hanggang tatlong pisong diskwento sa kada litro ng kanilang produkto.
Ipinabatid ng kalihim na simula pa January ngayong taon ay naglalaro na sa 50 dollars hanggang 96 dollars ang kada bariles ng langis.