Magsasagawa ng disembarkation process sa mga pasahero ng MV Grand Princess ngayong Lunes, ika-9 ng Marso.
Ito’y sa sandaling dumaong sa Oakland, California ang cruise ship na isinailalim sa quarantine matapos masawi ang isang pasahero dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa Office of Emergency Services ng California government, agad na dadalhin sa health care facilities ang mga pasaherong may sintomas ng influenza habang isasailalim naman sa isolaton ang mga hindi nakitaan ng sintomas.
Tatapusin naman ang quarantine period sa loob ng barko ang mga crew na walang sintomas.
Batay sa huling ulat, nasa 21 sakay ng barko ang nagpositibo sa COVID-19.