Marami pang dapat gawin ang DITO Telecommunity Corporation bago ito makakuha ng malaking bahagi ng consumer market.
Ito ang inihayag ng ICT Advocacy group na Democracy.net.ph matapos aminin ng DITO TelCo na limitado lamang ang mga smart phones ang compatible sa kanilang serbisyo.
Babala ng grupo, pinangangambahang maraming Pinoy ang madisenfranchise dahil karamihan sa mga ginagamit na smart phones sa bansa ay tumatakbo lamang sa 2G
Ayon kay DITO TelCO Chief Technology Officer Rodolfo Santiago, bagaman ang ibang phones na wala sa short list nito ay maaari pa ring gumana sa network ng telco, hindi magagarantiyahan ng kompanya na hindi makararanas ang mga user ng ibang phone models ng technical issues dahil hindi sinuri ang mga ito para sa network compatibility.
“To protect the public, there may be technical issues that are unforeseen,” sabi ni Santiago.
Magugunitang kinuwestiyon ng ICT advocacy group ang desisyon ng third telco na simulan ang operasyon sa kanayunan.
Dahlan kaya’t ipinag-utos ng Senate Committee on Public Affairs na i-assess ang commercial rollout ng DITO kung saan, karamihan sa mga consumer ay hindi gumagamit ng smart phones.
“The feature phone market in the Philippines is still very high, especially used by classes D and E, or our kababayans that run on 2G frequency. I’m surprised Dito Telecommunity restricted their list [of compatible phones],” pahayag ni Pierre Galla, engineer at co-founder ng Democracy.net.ph.