Nanawagan ang United Nations o UN sa mga kumpaniya na bigyan ng disenteng trabaho ang libu-libong Rohingya Minority sa Bangladesh.
Ito’y ayon sa UN ay para maiwasan ang pang-aabuso gayundin ang human trafficking na isa sa mga pangunahing suliranin ng lahat ng bansa sa mundo.
Ayon kay John Morrison ng Institute for Human Rights and Business, kadalasang nauuwi lamang sa pagiging factory workers ang mga babae at kabataan sa Bangladesh kaya’t napipilitan ang mga ito na pumasok sa iligal na Gawain.
Sa pamamagitan nito ayon kay Morrison, malaki ang maitutulong ng mga kumpaniya na pagsumikapang turuan at alagaan ang mga rohingya na anito’y isa sa mga malaki ang pagpapahalaga sa kanilang trabaho.
—-