Kamanghamangha ang naimbento ng isang guro sa Camarines Sur.
Upang hindi masira ang ilang sensitibong dokumento sa paaralan, kanyang ginawa ang isang disinfecting machine na kayang protektahan sa labis na pagkasira.
Kayang mag-disinfect ng nasabing makina na binuo ni Jhomar Jaravata ng halos 20,000 modules sa loob lamang ng walong oras.
Gumagamit naman ng cellphone bilang monitor at pinapagana ito gamit ang solar power.
Ayon naman kay Jaravata, ang kanyang imbensyon ay tiningnan na ng mga tauhan ng Department Of Science and Technology.―sa panulat ni Rex Espiritu