Naglagay na ang Philippine Ports Authority (PPA) ng decontamination at misting tents sa lahat ng pantalan at terminal sa bansa.
Layon ng hakbangin na ma-disinfect ang lahat ng papasok at lalabas ng mgapantalan para makaiwas sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng disinfection booth, foot batch, at iba pa.
Naglagay din ang Port Management Office ng sanitation booths sa pedestrian areas sa lahat ng base ports at ilang terminal.
Ayon kay PPA general manager Jay Daniel Santiago, maaaring ituloy ang paggamit ng decontamination tents sa mga susunod na buwan kahit pa bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.