Hinihiling ng National Parent Teachers Association (NPTA) ang disinfection sa mga paaralan sa Christmas break ng mga estudyante.
Ito ayon kay NPTA Vice President Lito Sinieto ay dahil bibihira o halos wala nang ginagawang disinfection sa mga paaralan simula nang magbukas ang klase nuong Agosto at tuluyang ipinatupad ang full face to face classes.
Sinabi ni Sinieto na mahalagang magkaruon ng disinfection laban sa mga sakit tulad ng hand foot and mouth disease maliban pa sa COVID-19.
December 19 itinakda ang Christmas break at January 4, 2023 ang balik ng mga estudyante.