Sinimulan na ang pag-disinfect sa mga poultry farm na apektado ng bird flu sa San Luis Pampanga.
Ito ay matapos maiwan ang masangsang na amoy mula sa libu-libong pinatay na manok, pato at pugo sa 7-kilometer controlled radius.
Tatagal ng hanggang dalawang linggo bago tuluyang ma-disinfect o mawala ang amoy sa mga poultry farm.
Nauna rito, tinapos na ng Department of Agriculture o DA ang “culling” o pagpatay sa mahigit 200,000 manok at iba pang uri ng ibon sa naapektuhang bayan ng Pampanga.
By Arianne Palma