Iminungkahi ngayon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na baguhin ang diskarte nila sa anti-drug war.
Giit ni Lacson, dapat nakatuon na sa mga big time drug lords ang operasyon ng mga kinauukulan at hindi sa mga maliliit na personalidad na sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Sa ngayon kasi aniya, nakatuon ang pansin ng mga awtoridad sa supply at market reduction.
Dahil dito, nanindigan si Lacson na bago pa man maipakalat sa merkado ang mga iligal na droga ay dapat na napipigil na ito ng mga awtoridad.
—-