Inatasan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ang Maynilad at Manila Water na kanilang suspendihin ang disconnection activities nito sa Metro Manila.
Ayon sa MWSS na ang naturang direktiba sa mga water concessionaires ay para matiyak na tuloy ang suplay ng tubig sa mga lugar sa Metro Manila kahit pa nasa ilalim ito ng enhanced community quarantine (ECQ).
Kasunod nito, kapwa nagpahayag ng suporta ang dalawang water concessionaires at tiniyak na susunod sa naturang kautusan.
Giit ng Maynila at Manila Water, na sa suspensyon ng disconnection service ay maiibsan ang bigat na dala ng customers nito sa Metro Manila partikular sa kanilang mga water bills.
Sa kabila nito, nanawagan ang MWSS sa mga lokal na pamahalaan na payagan ang mga meter reader na magsagawa ng on-site water reading at billing operations sa kanilang mga lugar sa gitna ng ECQ.