Iniimbestigahan na ng Commisson on Human Rights (CHR) ang nangyaring diskriminasyon sa isang ina at kaniyang anak na may autism sa isang resort sa Cebu.
Ayon sa CHR, bukod sa kanilang mandato na imbestigahan ang insidente, binigyang diin din nito na signatory rin ang Pilipinas sa convention on the rights of the child.
Nag-ugat ang kontrobersiya makaraang mag-viral sa isang review sa travel site na trip advisor na isinulat ng ina ng batang may autism patungkol sa plantation bay and spa.
Sa naturang review, ikinuwento ng ina na pinagalitan sila ng lifeguards dahil sa paghiyaw ng bata habang nasa tubig kapag ito’y nakararanas ng excitement.
Una nang nagkasa ng imbestigasyon ang Department of Justice gayundin ang Department of Tourism sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng may-ari ng nasabing resort.