Naglabas ang Department of Agriculture (DA) Ilocos region ng mga diskwento sa gasolina, cash aid sa mga magsasaka at mangingisda upang maibsan ang mga pasanin ng mga ito sa patuloy na pagsipa ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Batay sa datos nasa kabuuang p36.8 milyon na ang cash aid na ang naipamahagi sa 12,244 na magsasaka ng mais sa Ilocos region habang higit p17-milyon naman ang inilaan para sa kabuuang 5,717 na magsasaka ng mais.
Habang ang lalawigan ng La Union ay naglaan ng kabuuang P4.5M para sa 1,522 na magsasaka ng mais sa lugar.
Makatatanggap rin ang magsasaka ng mais mula sa pangasinan at La Union ng kanilang fuel subsidy sa hiwalay na iskedyul habang hinihintay ang pagsusumite ng kumpletong master list ng mga benepisyaryo mula sa mga Local Government Unit (LGU).
Gayundin ang mga magsasaka sa Ilocos Norte ay makatatanggap ng halos P6.5 na halaga ng fuel subsidy para sa 2,164 na magsasaka habang ang Ilocos Sur ay nakakuha ng P8,523,000 na halaga ng fuel subsidy para sa 2,841 na magsasaka nito. – sa panulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)