Karapat dapat sa benepisyo at pribelehiyo ang mga 0-12 taong gulang tulad ng mga senior citizen.
Itinutulak ni Camarines Sur Representative L-Ray Villafuerte ang House Bill 8312 o ang Junior Citizens Act para matiyak ang suporta ng gobyerno para sa mga Kabataang Pilipino.
Kabilang sa mga benepisyong iminungkahi para sa mga Junior Citizen ay ang 20 % discount at exemption sa value-added tax sa pagbili ng mga gamot, mga supplement sa gatas para sa mga may edad na 4-12 taong gulang, bayad sa mga doktor at Home Healthcare Service Provider, Dental Services, mga bayad sa pagpasok sa mga amusement parks, at mga serbisyo sa libing.
Sa ilalim ng panukala, ang isang junior citizen ay bibigyan ng Junior Citizen ID at isang booklet, masasama sa PhilHealth hanggang sila ay maging 12 taong gulang
Ang sinumang tumangging bigyan ang isang junior citizen ng kanyang mga pribilehiyo ay pagmumultahin ng P50,000 – P100,000 para sa unang paglabag.
Habang mas malaking multa na P100,000 – P 200,000 at pagkakulong o 2 – 6 na taon ang maaaring ipataw sa mga susunod na paglabag, ayon sa panukalang batas.