Pinag-aaralan na ng North Korea sa pagitan ng Mayo 23 hanggang 25 ang petsa ng gagawing dismantle ceremony o ang pagsasara ng kanilang nuclear testing site.
Batay sa ulat, bukod sa tinatantiyang lagay ng panahon, inihahanda na rin ang mga pasilidad kung saan makikita ang pagpapasabog sa lahat ng lagusan, maging pagtanggal sa mga research buildings at security posts.
Papayagan din umano ang media na masaksihan ang naturang seremonya upang tiyaking na maiparating sa publiko ang pagsasara sa nuclear site.
Magugunitang inanusyo ng presidential office ng South Korea noong Abril na mismong si North Korean Leader Kim Jong-Un ang nagsabi na tuluyan na niyang ititigil ang kanilang nuclear testing program.
—-