Pupuwede pang mabago ang dismissal decision ng pamunuan ng Ateneo De Manila University (ADMU) sa estudyante nitong nam bully sa viral video.
Ayon ito kay Education Secretary Leonor Briones kung may pangangailangang isalang nila sa review ang nasabing desisyon ng Ateneo sa nasabing reklamo.
Gayunman, ipinabatid ni Briones na batay sa karanasan nila, nagkakasundo ang magkabilang partido kapag naglabas na ng desisyon ang isang paaralan lalo na sa mga kaso nang pambu bully.
Nilinaw pa ni Briones na maaaring umakyat ang hatol sa expulsion sa halip na dismissal lamang kung saan pupuwedeng lumipat lamang sa ibang paaralan ang nasabing estudyanteng bully.
Batay sa DepEd manual, sinabi ni Briones na ang mga pinatawan ng expulsion ay hindi na puwedeng tanggapan kahit saang pribado o pampublikong paaralan sa bansa base na rin sa bigat ng kasalanan nito.