Epektibo pa rin ang dismissal order kahit hindi ito personal na maisilbi kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ito ayon kay DILG Region 6 Director Anthony Nuyda ay dahil isisilbi pa rin nila ang dismissal order sa tanggapan at tahanan ni Mabilog.
At dahil nasa labas pa rin ng bansa si Mabilog, sinabi ni Nuyda na maaaring ipaskil na lamang ang dismissal order sa tanggapan nito.
Kopya ng dismissal order kay Mabilog hindi pa natatanggap ng kampo nito
Wala pang natatanggap na kopya ng dismissal order kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang kampo nito.
Sinabi ni Atty. Mark Piad, spokesman at abogado ni Mabilog na sa media lamang nila nalalaman ang pagsibak ng Ombudsman sa alkalde.
Ayon kay Piad, pabor sa kanilang kampo na makakuha ng kopya para maplano ang susunod nilang legal na hakbang.
Naipaalam na aniya nila kay Mabilog ang sinasabing pagsibak dito.
Si Mabilog ay sinibak matapos mapatunayan guilty sa kasong serious dishonesty dahil sa kabiguan nitong ipaliwanag ang kaniyang kayamanan at hindi pagdeklara ng tama ng kaniyang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
The Ombudsman confirms that it has ordered the dismissal from the service of Mayor J. Mabilog for Serious Dishonesty.
— OmbudsmanPH (@OmbudsmanPh) October 27, 2017
The Decision was approved by Overall Deputy Ombudsman M. Carandang on 06 October 2017.
— OmbudsmanPH (@OmbudsmanPh) October 27, 2017
The Ombudsman directed the DILG to immediately implement the dismissal order against Mayor J. Mabilog.
— OmbudsmanPH (@OmbudsmanPh) October 27, 2017