Iaapela sa Korte Suprema ni Rizalito David ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) makaraang ibasura nito ang disqualification case na isinampa niya laban kay Senador Grace Poe.
Ayon kay David, itinuturing pa rin niya itong major victory dahil tatlong justices ng kataas-taasang hukuman ang bumoto pabor sa disqualification ni Poe bilang nanalong senador noong 2013 elections dahil sa isyu ng kanyang citizenship.
Kinabibilangan ito nina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion.
Iginiit ni David na malinaw na mayroong political accommodation makaraang 5 senador ang bumoto pabor sa pagbasura sa petisyon na kinabibilangan nina Senators Vicente “Tito” Sotto III, Loren Legarda, Bam Aquino, Cynthia Villar at Pia Cayetano.
By Meann Tanbio