Samantala, ibinasura naman ng COMELEC ang petisyong i disqualify si dating DFA secretary Alan Peter Cayetano bilang kinatawan ng unang distrito ng Taguig – Pateros.
Inihayag ng second division ng COMELEC na walang maling representasyon sa inilagay ni Cayetano sa kaniyang certificate of candidacy na nakatira pa rin ito sa 209 Paso St., Barangay Bagumbayan, Taguig City kahit may bahay na ito sa 353 A Two Serendra, Fort Bonifacio, Taguig.
Sa petisyon inihain ng isang Loenides Buac, kinuwestyon nito ang pagiging residente ni Cayetano ng Barangay Bagumbayan sa unang distrito ng Taguig gayung ang asawa nitong si Mayor Lani ay nakatira sa Barangay Fort Bonifacio sa ikalawang distrito kung saan ito tumatakbong kongresista.
Subalit inihayag ng COMELEC na hindi masasabing hindi na nakatira si Cayetano sa bahay nito sa Barangay Bagumbayan dahil lamang lumipat na ang asawa nito sa Two Serendra.