Inaantabayanan ngayon kung dedesisyunan na ng mga mahistrado ang disqualification case ni Senator Grace Poe sa gaganaping Supreme Court en banc session ngayong araw.
Ito ay isang linggo makalipas na maihain ng mga petitioner at respondent ang kani-kanilang mga memorandum kaugnay sa kaso ni Poe.
Una nang napaulat na kapag hindi naipalabas ng SC ang desisyon sa kaso ni Poe bago ang Mahal na Araw ay sa summer session na ng mga mahistrado sa Baguio City posibleng maipalabas ang desisyon.
Samantala, napag-alaman naman na ang naatasang magsulat ng desisyon sa kaso ni Poe na si Associate Justice Mariano del Castillo ay naiirita na umano sa mistulang pangingialam ng ilang justices sa kaso ni Poe.
Ayon sa source ng DWIZ, sinasabing nasinghalan ni Justice del Castillo ang isang lady justice dahil tila pinapangunahan na nito ang isusulat niyang desisyon sa kaso ng senadora.
By Bert Mozo (Patrol 3)