Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon na nagpapa-disqualify sa pinatalsik na si Laguna Governor ER Ejercito.
Ayon sa COMELEC, procedurally infirm ang naging petisyon ng dating pulis na si Abner Afuang dahil hindi ito otorisadong maghain ng petisyon.
Dinisqualify lamang aniya si Ejercito sa kanyang termino noong 2013-2016 at wala pang final and executory judgement na nag-coconvict sa kanya sa paglabag sa Omnibus Election Code.
Kasabay nito, hindi rin pinaburan ng COMELEC ang pagpapa-disqualify ni Afuang sa anak ni Ejercito na si Jorge Antonio sa pagtakbo nito sa pagka-gobernador bilang independent candidate.
By Rianne Briones | Allan Francisco