Hindi lamang si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio kundi ang buong SET o Senate Electoral Tribunal ang magdedesisyon sa disqualification case laban kay Senador Grace Poe.
Binigyang diin ito ni House Speaker Feliciano Sonny Belmonte kaya’t mas mabuting manahimik na lamang muna si Carpio hanggat wala pa aniyang collective decision ang SET sa naturang usapin.
Hindi nagustuhan ni Belmonte ang pahayag ni Carpio na chairman ng SET na kailangang patunayan ni Poe na siya ay natural born Filipino na pahiwatig umanong kulang sa kuwalipikasyon ang senador para humawak ng posisyon sa gobyerno.
By Judith Larino