Iginiit ni Atty. Manuelito Luna, Legal Counsel ng kampo ni Rizalito David na hindi labanan ng personalidad ang isinampang disqualification case laban kay Senator Grace Poe.
Sinabi ni Luna na karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan hinggil sa nationality ng isang public official, at kung ito ba ay nararapat na manungkulan.
Ginawa ito ni Luna matapos ang ginawang preliminary conference sa Korte Suprema, kahapon.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)