Ibinasura ng mayorya ng Senate Electoral Tribunal o SET ang disqualification case laban kay Senator Grace Poe.
Sa botong 5-4, limang senador ang pumabor sa pagbasura sa reklamo ni Rizalito David habang 4 naman ang bumoto para i-disqualify si Poe.
Kabilang sa mga pumanig kay Poe ay ang mga kapwa niya senador na sina Tito Sotto, Pia Cayetano, Loren Legarda, Cynthia Villar, at Bam Aquino.
Ang mga bumoto naman pabor sa petisyon ay sina Supreme Court Senior Justice Antonio Carpio, Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro, Associate Justice Arturo Brion, Senator Nancy Binay.
Una nang inihayag ng kampo ni David sa pamamagitan ni Atty. Manuelito Luna na maaari pang magsampa ng petition for certiorari sa Korte Suprema ang sino mang matatalo sa naturang usapin.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)