Kumpiyansa si Senator Tito Sotto na matatapos ng maaga ng Senate Electoral Tribunal ang kasong disqualification laban kay Senator Grace Poe.
Ayon kay Sotto, posibleng sa unang linggo ng Nobyembre ay madedesisyunan na ang kaso pagkatapos na marinig at ma-review ang argumento ng magkabilang panig.
Malayo ito sa panawagang ng marami na tapusin ito bago ang paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre 12 hanggang 16.
Nakatakdang mag pulong ang mga miyemrbo ng SET ngayong araw na ito sa Korte Suprema.
Samantala, umapela naman si Senate President Franklin Drilon sa Senate Electoral Tribunal na madaliin ang pagresolba sa disqualification case laban kay Senator Grace Poe.
Ayon kay Drilon, dapat na madesisyunan ang kaso bago ang filing ng certificate of candidacy upang hindi maapekto sa ginagawang paghahanda ng Commission on Elections tulad ng ballot printing.
Bukod dito, sinabi ni Drilon na ang isyu ngayon ay hindi ang posisyon ni Poe bilang senador kundi ang kanyang magiging pagtakbo sa 2016 elections.
Aniya, malaki ang magiging epekto ng naturang kaso sa kaisipan ng mga botante kaugnay sa pagtakbo ni Poe.
By Rianne Briones