Na-review na ng Senate Electoral Tribunal (SET), ang form and substance ng disqualification case na isinampa ni Atty. Rizalino David laban kay Senator Grace Poe.
Ayon kay Atty. Lamberto Deleba kanila nang irerekumenda sa executive committee ng SET, ang pagtatakda ng petsa para masimulan na ang pagdinig sa kaso.
Ipinaliwanag ni Deleba na bago masimulan ang pagtalakay sa kaso kailangan munang sumagot ni Poe sa reklamo at maghaharap din ang dalawang panig, para sa pre-trial conference.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)