Tila nakakatulong pa umano ang disqualification case na inihain laban kay Senador Grace Poe sa pagpalaot nito sa 2016 Presidential elections.
Paniniwala ito ni Professor Roland Simbulan, Chairman ng CENPEG o Center for People Empowerment in Governance matapos muling manguna sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) si Poe.
Sinabi ni Simbulan na lumalabas na nagiging underdog si Poe kasunod ng mga pag-kuwestyon sa citizenship nito na dahilan kaya’t nagkakaroon ng simpatiya ang taumbayan sa kaniya.
Ayon pa kay Simbulan, ang pagkakaungkat at pagsasampa ng disqualification case laban kay Poe ay simbolo nang pagkabahala ng mga magiging kalaban ng senador sa 2016.
Samantala, binigyang diin ni Simbulan na ang pag-angat ng ratings ni dating Department of Interior and Local Governemnt (DILG) Secretary Mar Roxas ay dahil sa anti-corruption campaign nito at ang mga nagawa naman ni Vice President Jejomar Binay sa Makati ang naging basehan ng tao para manatili sa 35% ang ratings nito.
By Judith Larino