Inaasahan na ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga disqualification case laban dito.
Kasunod na rin ito nang paghahain ng COC o certificate of candidacy ni Duterte sa pagka-Pangulo.
Sa katunayan, matapos lamang mag file ng COC ni Duterte, isang Ruben Castor ang kaagad kumontra rito.
Sinabi ni Castor na hindi dapat pagbigyan si Duterte na tumakbo bilang substitute sa kandidatong nag-withdraw o umatras na sa pagtakbo.
By Judith Larino