Ibinasura ng Supreme Court En Banc ang disqualification cases laban kay Incoming President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa botong 13-0.
Ang desisyon ay sinulat ni SC Justice Rodil Zalameda habang nag-ihibit naman o hindi sumali sa botohan sina Justices Henry Paul Inting at Antonio Kho.
Si Justice Marvic Leonen naman na appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay bumoto pabor sa hatol.
Dahil dito, wala nang legal na balakid sa pag-upo ni PBBM bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Nakatakdang manumpa si Marcos sa Huwebes, Hunyo 30, sa National Museum sa Maynila.