Hiniling ni Senate President Franklin Drilon sa Commission on Elections o COMELEC na resolbahin agad ang mga kasong disqualification na nakabibin sa ahensya.
Babala ni Drilon, ang mga kasong ito ay posible umanong magdulot ng seryosong banta sa patas at credible na halalan sa 2016.
Nanawagan si Drilon kay COMELEC Chairman Andres Bautista na agad na i-convene ang En Banc upang madesisyunan sa lalong madaling panahon ang disqualification cases laban kina Senator Grace Poe at Mayor Rodrigo Duterte.
Una nang inanunsiyo ng COMELEC na magpupulong ito para talakayin ang mga kaso laban kina Poe at Duterte lalo pa’t ngayong araw na ito ang deadline ng pagsasapinal ng mga pangalang ilalagay sa balota.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)