Buong Senado ang magdedesisyon kung kwalipikado o disqualified na ang Mislatel bilang ikatlong telco na mag-ooperate sa bansa.
Tugon ito ni acting secretary Eliseo Rio ng Department of Information and Communication Technology sa pahayag ni Senador Franklin Drilon na wala nang bisa ang prangkisa ng Mislatel dahil nabigo silang mag-operate sa loob ng isang taon matapos makuha ang kanilang prangkisa.
Ayon kay Rio, may problema sa peace and order sa lugar kung saan dapat maglagay ng kanilang imprastraktura ang Mislatel kayat hindi nila ito nagawa sa loob ng isang taon.
Ipinaliwanag ni Rio na pumasa na ang Mislatel sa post qualification phase sa mababang kapulungan kaya’t go signal na lamang ng Senado ang kulang upang makapagsimula nang mag lay out ng kanilang imprastraktura ang Mislatel.
Hindi lang Mislatel, pero halos lahat ng mga telcos ay hindi nakatupad. Alam niyo ba na pag roll out ng isang infra, it will take out one year. Dito sa Senate, magbobotohan, antayin na lang natin ‘yung resulta ng botohan nila bago natin sabihin na talagang revoked na yung franchise ng Mislatel. Pahayag ni Rio
Napag-alaman kay Rio na sakaling bumagsak sa post qualification ng Senado ang mislatel, kailangan nilang ulitin ang proseso ng pagpili ng ikatlong telco.
Gayunman, posibleng mas maigsing panahon na lamang anya ang kailanganin nila dahil nakalatag na ang mga terms of reference.
Siguro kung ni-revoke ngayon at disqualified ang Mislatel, siguro makapili pa tayo ng isa. For examplae, yung dalawang na-disqualify, na-disqualify sila because of lack of requirements, puwede naman nila kumpletuhin. Lahat sila, puwedeng sumali ulit. Paliwanag ni Rio