Hindi na maaari pang humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan ang isang kandidato na mabibigong maghain ng kanilang SOCE o statement of Contributions and Expenditure ng dalawang beses.
Ito’y makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang iginawad na perpetual disqualification ng COMELEC o Commission on Elections laban kay Joel Maturan ng Basilan.
Batay sa desisyong pinonente ni Justice Lucas Bersamin, nabigo si Maturan na maghain ng kanyang SOCE nang tumakbo ito sa pagka-gobernador ng Basilan noong 2010 at sa pagka-alkalde noong 2013.
Ngunit inireklamo si Maturan nang muli itong maghain ng kanyang kandidatura noong taong 2015 at kalauna’y pinatawan ng kaparusahan ng COMELEC.
Giit ni Justice Bersamin, lubhang kinakailangan ang paghahain ng SOCE sa ilalim ng Republic Act 7166 o ang synchronized national and local elections.
By Jaymark Dagala
Disqualification parusa sa mga kandidatong di maghahain ng SOCE was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882