Nilinaw ng Unang Dibisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na wala pa itong desisyon sa apat na disqualification cases laban kay presidential aspirant Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito’y kahit hindi umano lumutang sa preliminary conference ang mga petitioner sa mga nabanggit na kaso laban kay Duterte.
Itinanggi naman ni First Division Commissioner Christian Robert Lim na dahil hindi dumalo sa pagdinig ang petitioner ay ibinasura na ang disqualification case.
Una nang napaulat na nabasura ang petisyon na inihain ni University of the Philippines Student Council Chairman John Paul delas Nieves dahil wala ito sa preliminary conference at maging ang abogado nito.
Subalit, giit ni Lim, nakabinbin pa rin ang kanilang desisyon hinggil sa nasabing usapin.
By Jelbert Perdez