Pinayuhan ng isang veteran Election Lawyer ang Commission on Election kaugnay sa patuloy na paglalabas ng temporary restraining order ng Korte Suprema sa mga diniskwalipikang kandidato.
Sa panayam ng DWIZ, binigyan-diin ni Atty. Romulo Macalintal na dapat isama na lamang ng COMELEC sa balota ang pangalan ng mga disqualified candidates na inapela ang naging desisyon ng poll body.
Sa ganitong paraan anya ay maiiwasan maantala ang preperasyon ng comelec sa halalan tulad ng pag-iimprenta ng mga balota.
Kaugnay nito, ipinunto pa ni Atty. Macalintal na hindi maaaring tanggalin sa balota ang pangalan ng disqualified candidate na tumatakbo sa ilalim ng isang political party, dahil anya may karapatan ang partido na palitan ito ng ibang kandidato.